-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang posibilidad ng pagkakaroon ng factory ng mga improvised explosive device (IED) sa bahagi ng Basey, Samar.

Ito ay matapos na makarekober ng dalawang malalaking mga IEDs ang mga kasundaluhan sa magkasunod na engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa dalawang barangay sa bayan ng Basey.

Ayon kay Lt. Col. Rizalde Laurena, commanding officer ng 63rd Infantry Battalion, hindi imposible na mayroong produksyon ng mga explosive devices lalo pat ilang beses na ring may nareboker ang tropa sa naturang lugar.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang pagbabantay at operasyon ng mga kasundaluhan sa naturang bayan partikular na sa mga interior na barangay na pinaniniwalaang mga stronghold ng New People’s Army.