-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Patuloy ang ginagawang search rescue and retrieval operation sa Porac, Pampanga sa gumuhong supermarket kasunod ng nangyaring 6.1 na lindol nitong araw ng Lunes.

Ayon kay Major Erickson Bulusan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command (NOLCOM), Philippine Army, ito’y kahit wala na umanong naaamoy ang mga K9 na sinyales na may buhay pa sa nasabing gusali.

Aniya,nasa 200 militar pa umano na mula sa NOLCOM ang nasa lugar na tumutulong sa pag-alis ng debris sa lugar.

Sinabi ni Bulusan na may pitong katao pa umano ang idineklarang nawawala sa nasabing probinsiya.

Umaasa si Bulusan na napunta lamang sa ibang lugar ang mga nawawala at hindi kasama sa mga natabunanan sa gumuhong supermarket.

Samantala, sinabi ni Bulusan na mas lalong pinaigting at pinalakas ng kanilang hanay ang seguridad katuwang ang Philippine national Police (PNP) para sa mapayapang 2019 midterm election kasabay ng kanilang 32nd Anniversary kahapon.

Ayon kay Bulusan, may mga nakatakda na umanong deployment sa mga militar sa bawat precincts center.

Kaugnay nito, muling nanawagan si bulusan sa mga kandidato na huwag tumugun sa ‘permit to campaign, permit to win ng New Peoples Army(NPA).

Aniya, mahaharap umano sa kaukulang parusa ang sinumang kandidato na susuporta sa aktibidad ng mga makakaliwanag grupo.