Nagpaalala ang ilang senador na hindi militar ang dapat na pangunahing gumalaw para sa pagsasaayos ng seguridad para sa 2022 elections.
Ayon kay Sen. Richard Gordon hindi tamang makialam ang mga sundalo sa aktibidad na ito dahil ang pangunahing trabaho ng mga ito ay labanan ang external threat.
Giit ni Gordon, mga pulis ang may tungkulin na protektahan ang publiko at panatilihing mapayapa at maayos ang halalan.
Sinang-ayunan din ito ng ilang opposition senators, kasabay ng paalalang maging tapat sa bayan kaysa sa mga politikong nagtatangkang gamitin ang puwersa ng mga sundalo.
Pero hindi naman nababahala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang militar para masiguro ang malimis, mapayapa at maayos na eleksyon.