-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Mariing kinondena ng mga otoridad ang ginawang pangbobomba ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Magsaysay, Mapanas Northern Samar na nagresulta sa pitong sugatang sundalo kung saan dalawa sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.

Ayon kay Capt. Ryan Layug, tagapagsalita ng 8th ID Philippine Army, nagsasagawa ng community support program ang mga tropa ng 20th Infantry Battalion nang bombahan ang mga ito ng Anti-Personnel Mine (APM) sa nasabing lugar.

Gumamit rin ang mga otoridad ng chopper sa pagrescue at pagpullout sa mga sugatang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang pursuit operation ng mga militar upang matukoy ang mga tumakas na rebelde.

Pinaniniwalaang mga miyembro EV Regional Command Party ang mga rebeldeng nasa likod ng nasabing insidente.

Kinokondena ng mga militar ang tahasang paggamit ng mga NPA ng anti personnel mine na mahigpit na pinagbabawal ng International Humanitarian Law.