KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa ng militar ang kanilang monitoring at pagbabantay sa mga lugar ngayong holiday season.
Ito ay matapos ang nangyaring engkwentro sa gitna ng militar at BIFF noong nakaraang araw lamang.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay 6th ID spokesman Anhouvic Atilano, nasa 10 myembro ng BIFF ang umatake sa kanyang kasamahan sa bahagi ng Brgy. Limpungo, Datu Upir, Maguindanao.
Ayon pa dito na magtatangka sanang lumusot ang mga nasabing terorista sa isang military checkpoint ngunit ito ay napaghandaan ng kaniyang mga kasamahan dahilan na hindi naging matagumpay ang mga ito.
Nakuha naman sa pinangyarihan ang isang M16, motorsiklo at isang personalidad na nagngangalang Asir Kandaw, na umano’y siyang ulo sa nangyaring pagpamomba noong 2018.
Siniguro naman ni Atilano sa mga mamamayan na magiging mapayapa ang pagdiriwang nila ngayon ng holiday season.
Samantala, nanawagan naman ito sa mga terorista na magbalik loob sa gobyerno at may mga natalanang programa na ibibigay para sa kanilang bagong buhay.