-- Advertisements --

Matagumpay na na-nutralisa ng mga tropa ng  59th Infantry “Protector” Battalion (59IB) ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang tatlong miyembro ng  teroristang komunista.

Ito ay matapos ang naging engkwentro sa pagitan ng dalawang kampo sa  Tuy, Batangas.

Sa naging pahayag ng  militar, sinabi nito na nangyari ang naturang sagupaan ng magsagawa ito ng  Security operation sa Barangay Acle noong nakalipas na linggo ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinaputukan sila ng naturang mga rebelde.

Nagresulta ito sa halos sampung minuto ng palitan ng putok mula sa magkabilang panig.

Nagkaroon rin ng labanan sa sa barangay ng Bolboc ng tugisin ng militar ang mga teroristang tumakas mula sa engkwentro.

Dahil dito ay nasawi ang  2 lalake at isang babaeng miyembro ng NPA habang ligtas naman ang mga tropa ng pamahalaan.

Narekober ng militar ang  isang M16, isang Uzi rifle, isang R4 rifle, at maging improvised hand grenade.