ILOILO CITY – Tinawanan lang ng Philippine Army ang akusasyon ng mga rebelde na tinaniman nila ng ebidensya ang NDF peace consultant at finance officer na si Reynaldo Bocala matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP, at militar sa Barangay Balabag, Pavia, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na mapanganib na tao si Bocala at maging ang kanyang aide na si Willy Epago na kapwa idineklarang dead on the spot.
Ayon kay Pancito, pawang kasinungalinan ang bintang ni Jurie Guerrero, spokesperson ng Jose Percival Estocada Jr. Command na planted ang mga armas at bala na narekober sa pinangyarihan ng insidente.
Nagbabala rin ito na isusunod nila si Estocada.
Napag-alaman na may mayroong P4.8 million na bounty si Bocala na asawa ni Maria Concepcion Concha Araneta-Bocala na kasama sa listahan ng mga terorista na inilabas ng Anti-Terrorism Council.