ILOILO CITY – Nagpadala na ng helicopters ang Armed Forces of the Philippines upang matuntun ang iba pang mga suspek sa pag-assassinate kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pang sibilyan sa loob ng kanyang compound sa Brgy. San Isidro, Pamplona , Negros Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. General Benedict Arevalo, Commander ng Armed Forces of the Philippines Visayas Command, sinabi nito na malaking tulong ang helicopters upang madaling makita ang pinagtataguan ng iba pang mga suspek sa assasination.
Ayon kay Arevalo, nakahanda silang tumulong kun ano man ang kailangan ng Philippine National Police.
Naniniwala naman ang opisyal na hindi pa nakakalayo ang iba pang mga suspek sa pamamaslang.
Tiniyak naman nito na hindi nila sasantuhin ang mga suspek kahit na ang iban sa mga ito ay dating kasapi ng militar.