-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Bumuhos ang pagbati ng mga supporters ng Bombo Radyo Philippines sa South Central Mindanao mula sa mga masugid na tagapakinig kasabay ng ika-53 taong anibersaryo ng Network nitong araw ng Sabado.

Kasabay ng selebrasyon ay nagpaabot ng suporta ang mga listeners ng Bombo Radyo na patuloy na nagtitiwala at nakasubaybay sa mga pangunahing isyu sa bansa sa lalo na ang mainit na pagtalakay ng Bombo sa biggest investment scam na KAPA.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Western Mindanao Command spokesman Major Arvin Encinas sa Bombo Radyo Philippines sa paghahatid nito ng totoong impormasyon sa publiko na isang malaking tulong para sa kagaya nilang tagapagpatupad ng batas na maipaabot sa mga mamamayan ang mga tamang impormasyon bilang bahagi ng mandatong maprotektahan ang mga sibilyan laban sa anumang uri ng kriminalidad.

Napanatili naman ng Bombo Radyo Philippines ang pamamayagpag nito sa pamamagitan ng paghahatid ng “First, Fast and Right” na pagbabalita.