-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagresulta sa engkwentro laban sa mga rebelde ang isinagawang pagpapatrolya ng 37th Infantry Batallion, Philippine Army sa bahagi ng Sitio, Nges, Brgy. Hinalaan, Kalamansig Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. John Paul Baldomar, Commander ng 37th Infantry Batallion, Phil. Army sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo koronadal.

Ayon kay Baldomar, nakasagupa ng kanilang tropa ang grupo ng mga Communist Terrorist Group matipos ang kanilang isinagawang pagpapatrolya dahil sa nakitang presensiya ng mga armado sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal, ipinabatid sa knaila ng mga IP na pinamumunuan ni Datu Gawa Gantangan, isang dating rebelde na sumuko din 37th IB noong nakaraang taon na mayroong presensya ng mga rebelde na nanghihikaya’t sa mga sibilyan na umanib sa kanilang grupo.

Kaya’t agad na tumugon ang Conqueror Troopers sa ulat at nagpadala ng mga sundalo upang mapangalagaan ang komunidad hanggang sa nagpang-abot ang dalawang panig at nagkasagupa ang mga ito.

Tumagal ng humigit-kumulang sampung minuto ang bakbakan ngunit sa kasamaang palad,nakatakas ang mga rebelled patungo sa magkaibang direksyon.

Narekober ng operating troops ang mga improvised landmine, detonating cords,bala at mga basyo ng bala ng iba’t ibang calibre gayundin ang mga subersibong dokumento.

Patuloy naman na pinaghahanap sa ngayon ng mga sundalo ang tumakas na mga rebelde.

Matatandaan na nakaranas ng malaking pagkatalo ang Communist Terrorist Group sa munisipyo ng kalamansig matapos ang serye ng pagsuko ng mga NPA.

Sa kabuuan, nasa 57 NPA na ang sumuko sa 37th IB na may dalang 48 na armas.

Patuloy naman ang panawagan ng opisyal sa lahat ng mga teroristang grupo na bumalik na sa gobyerno para mabawasan na ang mga enkwengtro na nagiging dahilan na may ilang mga sibilyan ang nadadamay.