-- Advertisements --

Plano ng militar ng Pilipinas na kumuha ng Typhon missile system para protektahan ang ating maritime interests kung saan ilan dito ay nag-overlap sa China.

Ayon kay Philippine Army chief Lieutenant-General Roy Galido, Ito ay binalak na makuha dahil sa nakikitang feasibility nito at ang paggana nito sa konsepto ng pagpapatupad ng archipelagic defense ng ating bansa.

Aniya, ang kabuuang bilang ng kukunin ay nakadepende sa “economics”.

Ayon sa PA official, magbibigay ng kapasidad ang naturang Typhon system sa hukbo na mag-project ng puwersa hanggang sa 200 nautical miles (370 kilometers), na siyang limitasyon ng maritime entitlements ng isang kapuluan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi din ni Galido na sa loob ng 200 nautical miles walang lupa kayat kailangan aniyang mag-ambag sa pagtatanggol sa mga interes ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ganitong plataporma para tumulong sa primary major service para tututok sa maritime at air domain.

Sa ilalim aniya ng ganitong sitwasyon, ang Typhon platform ay magpoprotekta sa ating mga floating asset gaya ng mga barko ng Philippine Navy, coast guard at iba pang mga sasakyang-dagat.

Samantala, matatandaan na nauna ng nagpadala ang US ng Army ng mid-range missile system sa hilagang parte ng Pilipinas para sa taunang military exercises kasama ang matagal na nitong kaalyado sa unang bahagi ng 2024 at nagpasyang iwanan ito sa naturang lugar sa kabila pa ng pagbatikos ng China dito na nakakasira umano sa Asya.