-- Advertisements --

Muling nagkasagupaan ang mga tropa ng 1st Infantry Battalionat at mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Calupit, Lobo, Batangas.

Sa report na inilabas ni 2nd Infantry Division, Public Affairs chief Cpt. Patrick Jay Retumban, sumiklab ang enkwentro bandang alas-5:45 kaninang umaga.

Nasa 20 armadong NPA members ang nakasagupa ng mga sundalong army na pinamumunuan ng isang alias Salma.

Sumiklab ang 10 minutong labanan, pero walang naiulat na casualties sa hanay ng militar.

Habang sa panig ng rebelde, posibleng nagtamo ang mga ito ng casualties dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa route of withdrawals ng komunistang grupo.

Ayon kay Retumban, nakasagupa na ng mga sundalo ang nasabing grupo nuong July 31, 2018 sa may barangay San Juan, Batangas.

Nakuha sa posisyon ng rebeldeng grupo ang ilang mga improvised explosive device, backpacks, cellphone at mga mahahalagang dokumento.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations laban sa rebeldeng NPA.