Nakasagupa ng mga operating units ng 17th Infantry Battalion ang nasa 30 armadong miyembro ng New Peoples Army (NPA) kahapon ng umaga sa probinsiya ng Cagayan.
Sa report na inilabas ni Northern Luzon Command Spokesperson Lt.Col. Isagani Nato, inilunsad ang operasyon batay na rin sa impormasyon na ibinigay ng mga sibilyan kaugnay sa presensiya ng armadong grupo sa kanilang grupo.
Kaya agad naglunsad ng combat patrols ang mga sundalo.
Umigting ang 45 minutong labanan,walang naiulat na casualties sa hanay ng militar habang pinaniniwalaang mayroon sa kalaban.
Narekober mula sa mga rebeldeng NPA ang isang improvised Cal. 22, 1 icom rado, 3 jungle packs, apat na improvised explosive devises at 12-volt motolite battery at wires.
Tiniyak naman ni Nato na magpapatuloy ang focused military operations ng militar laban sa komunistang grupo lalo na sa mga lugar na nag ooperate ang NPA.