DAVAO CITY – Mas pinaigting pa umano ng militar ang kanilang monitoring sa Davao Region lalong-lalo na sa mga lugar na may presensiya ng New People’s Army (NPA).
Noong Biyernes nang napatay ang dalawang NPA commander sa nangyaring engkuwentro sa Sitio Lanan, Brgy. Goma, Digos City, Davao del Sur.
Nakasagupa ng 39th Infantry Battalion (IB) ang hindi matukoy na bilang nga mga rebelde na kung saan umabot sa 45 minuto ang bakbakan.
Isa umano sa mga napatay na NPA commander ay isang babae.
Ayon kay 10th ID spokesperson Capt. Jerry Lamosao, una nang nakatanggap ng report ang 39th IB na may presensya ng rebeldeng grupo sa area na mangre-recruit umano at nangingikil dahilan kaya kaagad silang gumawa ng operasyon.
Maliban sa dalawang bangkay ng NPA ang natagpuan sa encounter site ay nakuha rin ang isang high-powered firearm.