-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pumagitna na at nakipagtulongan ang militar sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation front (MILF) na tumulong upang hindi na muling mamayani ang tension sa bayan ng Pikit, North Cotabato at boundary ng Pagalungan , Maguindanao matapos ang nangyaring engkwentro sa dalawang pamilya na pawang kasapi ng MILF.

Ito ang kinumpirma ni Lt.Col John Paul Baldomar,6ID PA spokesperson sa eksklusibong panayam ng bombo radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, dahil sa di pagkakaintindihan at land conflict ay muling nagkasagupa ang mga ito na tumagal ng 3 oras hanggang sa nakaroon ng sugatan at nagsilikas ang mga apektadong residente.

Dahil sa pangyayari, nagdeploy ng karagdagang pwersa ang6th ID Philippine Army upang siguruhing hindi na mangyari ang palitan ng putok sa pagitan ng 129th Base Command at 105th Base Command ng MILF.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pag-uusap sa magkabilang panig upang ma-settle na ang problema .

Malaking hamon naman umano sa militar ang mga loose firearms na ginagamit umano ng mga combatants na sangkot sa kaguluhan.