-- Advertisements --

LAOAG CITY – Takot nang pumapasok pa ang mga staff ng isang nursing home sa Quebec, Canada matapos may ilang residente dito na namatay dahil sa covid-19.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Orlando Estabillo, taga Solsona, Ilocos Norte pero kasalukuyang naninirahan sa Quebec, Canada, dahil takot na ang mga staff ng nasabing nursing home na pumasok ay ang militar na a pumalit para pamunuan ang nasabing pasilidad.

Sinabi ni Estabillo na isang kilometro lamang ang layo ng bahay nila mula sa nasabi nursing home.

Aniya, umaabot sa isang daang residente ang nasa nursing home kung saan ilan dito ay namatay dahil sa covid-19.

Dagdag niya na isang pribadong pasilidad ang nursing home at posibleng yung mga dumadalaw sa mga residente nanggaling ang virus.

Sa ngayon, sinabi ni Estabillo na umaabot na sa 8,457 ang kaso ng virus sa nasabing lugar kung saan 877 na ang namatay.