CENTRAL MINDANAO-Hindi pa kumpirmado ang presensya ng Hamas Terror Group sa Mindanao.
Ito mismo ang sinabi ni Westmincom Commander Lieutenant General Afredo Rosario Jr.
Posibleng may katotohanan ang presensya pero tinitiyak anya ng Militar na hindi ito makakapasok sa Mindanao.
Pinalakas ngayon ng militar ang counter intelligence monitoring sa mga lugar na posibling daanan ng mga terorista lalo na sa mga island provinces na malapit sa bansang Malaysia at Indonesia.
Sinabi rin ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng awarding ceremony ng 154 na mga former Violent Extremist sa headquarters ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao na patuloy pa nilang benibiripika ang napaulat na recruitment ng Hamas Terror Group sa bansa.
Dagdag ng kalihim na hindi pwedeng baliwalain ang ulat at kailangan na tutukan.
Napag-alaman na ang HAMAS ay isang terrorist group na aktibo sa Gaza Strip at West Bank ng Palestine at base sa intelligence report ng PNP, nagkaroon di-umano ng pagpupulong ang ilan sa mga tumatayong lider ng mga ito at ang target nila na magpalawak ng pwersa sa South East Asia lalo na sa Mindanao.