-- Advertisements --

Pinakilos na rin ng pamahalaan ng Italy ang kanilang militar na tumulong sa pagpapatupad ng mahigpit na total lockdown matapos na maitala ang record breaking death toll na mahigit sa 600 sa loob lamang ng isang araw.

Napansin daw kasi ng ilang Chinese medical experts na tumutulong sa krisis na maluwag at hindi umano istrikto ang nangyayaring lockdown sa Italy.

Batay sa lumalabas na report mistulang desperado ang mga hakbang na ginagawa sa norte na bahagi ng Italy kung saan ang itinuturing na ngayong epicenter ay ang hard hit na Lombardy region.

Sa latest data ng Worldmeters report, nasa 47,021 na ang mga kaso ng COVID sa Italy at may kabuuang 4,032 naman ang mga namatay.