Nagtatag ng dalawang markers sa Mabaag at Barit islands sa Aparri, Cagayan ang pamunuan ng Northern Luzon Command.
Ito ay patunay na ang nasabing mga lugar ay bahagi ng Northern Maritime Territory ng bansa.
Dagdag ito sa 11 sovereign markers na nailagak na noong nakaraang taon sa uninhabited islands sa North Cagayan province na sakop ng Babuyan Channel.
Katulad ng ibang markers, itinatag ang dalawang bagong markers sa prominent areas nang sa gayon ay makita ng mga barko na dumaraan sa karagatan.
Paliwanag ni Commodore Caesar Bernard Valencia, commander of Naval Forces Northern Luzon, mahalaga ang mga marker dahil pagpapahayag ito na teritoryo ng bansa ang naturang maritime area.
Samantala, sinabi naman ni Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng Northern Luzon Command at commander ng Area Task Force na sila ay nananatiling nakaalerto at patuloy ang pagbabantay sa soberenya ng bansa.