CENTRAL MINDANAO-Malaki ang paniniwala ni General Potenciano Camba ng 1002nd Brigade ng Philippine Army na kampante itong malayang mangampanya ang mga politiko sa Magpet Cotabato at karatig bayan nang walang pangamba laban sa New Peoples Army (NPA).
Kontrolado anya nila at mahihirapan nang pumasok sa mga barangay ang mga NPA lalo pa’t alam na ng mga mamamayan ang kanilang mga aktibidad at ayaw na rin nilang gustong pumasok pa sa kanilang mga barangay.
Ito ay sa tulong ng End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ng pamahalaan na naglalayong tapusin na ang ensurhensiya at ibalik sa normal na buhay ang mga dating lider, myembro at taga suporta ng NPA.
Dagdag pa no Camba na kung meron man aniyang hihingi ng campaign fund ay baka ibang grupo ito na sasakyan ang ganitong gawain at ikokonekta sa NPA.
Sa ngayon ay wala pa aniyang lumapit sa kanilang mga politikong may natatangap na extortion letter para sa nalalapit campaign period.
Handang magbigay ng military escort ang 1002nd Brigade sa mga politiko kung sa tingin nilang may banta ng nasabing grupo sa probinsya ng Cotabato.
Tila tahimik ngayon ang NPA sa North Cotabato ngunit hindi magpakampante ang militar sa posibling sorprisang pananalakay ng mga rebelde.
Maraming mga NPA na ang sumuko sa militar at pulisya sa probinsya ng Cotabato dahil tiwala na sila sa programa ng gobyerno.
Matatandaan na dineklarang Persona Non Grata ang mga NPA sa buong probinsya ng Cotabato.