Tatlong barangays mula sa Marawi City, Lanao del Sur ang nabiyayaan ng family food packs na ipinamahagi ng militar sa local government units sa nasabing probinsiya.
Ito ay bilang ayuda sa umiiral na enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.
Nagbahay-bahay ang mga tropa ng 82nd Infantry Battalion sa pakikipagtulungan ng mga local government officials para ipamahagi ang mga family food packs.
Ayon kay 82nd IB, Civil Military Operation chief 1Lt Charles Leiand Regala, tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng mga relief goods at sa katunayan ito ay panibagong batch na ng mga food stuffs.
Kasama rin ng mga sundalo sa pamamahagi ang mga pwersa mula sa Regional Mobile Force Company (RMFB14) ng PNP na siyang nag-deliver sa nasa kabuuang 1,066 family packs sa mga residente ng Brgys. Mapandayan-Caniogan, Pantaon at Mapandayan na nasa Marawi.
Tiniyak naman ni 82nd IB commanding officer, Lt. Col. Rafman Altre, ang kanilang tulong at suporta sa mga LGUs na apektado nang paglaganap ng COVID sa nasabing probinsiya.