-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umaasa ang militar na susuko na si Myrna Sularte alyas Ka Maria Malaya matapos mapatay ang kanyang asawang si George Madlos alyas Ka Oris sa engkuwentro sa Impasug-ong, Bukidnon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry “Diamond” Division, Philippine Army na panahon na upang bumalik na sa gobyerno si Ka Maria Malaya.

Ayon kay Major Garello, magpapatuloy ang kanilang panawagan para sa natitira pang mga rebeldeng aktibo pa rin sa kilusan na sumuko na upang hindi maranasan ang magiging resulta sa ipagpatuloy nilang mga military operations.

Ang pagsuko ay sya umanong tanang daan para sa mapayapa at masayang pamumuhay ng mga rebelde kasama ang kanilang mga pamilya.