Nagbigay direktiba umano si President Donald Trump sa kaniyang mga opisyal na huwag munang ituloy ang tulong pinansyal na dapat sana ay ibibigay nito sa Ukraine.
Ginawa ng American president ang desisyong ito ilang araw bago ang nakatakdang phone call meeting nito kay Ukrainian president Volodymyr Zelensky.
Nakatakda sanang magbigay ng halos $400 million dollars o 21 trillion pesos para palakasin pa umano ang pwersa militar ng bansa.
Isa umano ito sa hakbang ni Trump upang mas lalong i-pressure ang bagong pangulo ng Ukraine upang magsagawa ito ng imbestigasyon laban sa kaniyang katunggali sa pagka-presidente na si dating US Vice President Joe Biden at anak nito na si Hunter Biden.
Kaugnay ito ng alegasyong nakipag-ugnayan di-umano ang mag-ama sa mga korupt na aktibidad sa Ukraine noong nasa pwesto pa si Biden.
Bago ito, ilang myembro ng congressional Democrats ang nagnais na mag-turn over ng mga dokumento ang Trump administration ukol sa mga alegasyon laban dito at nanakot din na maaaring ma-impeach sa pwesto ang kasalukuyang pinuno ng Estados Unidos.