Nakatakdang pupulungin ni Pang. Rodrigo Duterte ngayong araw ang mga top military and PNP Commanders kasunod ng pamamaril patay ng siyam na pulis sa apat na sundalo.
Layon ng Pangulo para maibsan ang tensiyon sa magkabilang kampo kasunod ng madugong insidente.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Wesmincom Commander Lt Gen. Cirilito Sobejana na inaabangan nila ang pagdating ng Pangulo sa Western Mindanao.
Una ng kinumpirma ni DILG Sec Eduardo Año na nais din kausapin ng Pangulo ang siyam na pulis na pumatay sa apat na army intelligence operatives.
Nakahanda naman ang PNP na ibiyahe ang siyam na pulis na nasa likod ng pamamaril.
Hindi naman sinabi ni Sobejana kung pupunta ng Sulu ang Pangulo o manatili lamang ito sa Zamboanga para sa gagawing command conference.
Sa kabilang dako, inamin ni Defense Sec Delfin Lorenzana na may hawak ng initial result ng NBI investigation si DILG Sec Eduardo Año hinggil sa pagpatay sa apat na sundalo.
Tumanggi naman ang kalihim na iditalye ang initial result, aniya hihintayin nila ang resulta na pinamamadali ni Pang. Duterte.
Una ng inihayag ni Sec. Año na personal niyang kilala ang apat na nasawing sundalo.