-- Advertisements --

Patay ang 35 katao habang nasa 134 naman ang iniwang sugatan ng airstrike na pag-atake ng Russia sa isang malaking Ukrainian military facility malapit sa border ng Poland na isang NATO member.

Ayon sa Britain, nasa 15 milya o 25 km lamang ang layo ng naturang insidente sa border ng Poland na nagmarka naman ng lubhang pagtindi pa ng labanan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni US President Joe Biden na ipagtatanggol ng NATO ang bawat pulgada ng teritoryo nito kung madadamay sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine ang mga miyembrong bansa ng Western defense alliance.

Ayon naman kay Maksym Kozytskyy, nagpaulan ng nasa humigit-kumulang 30 rockets ang Russia sa Yavoriv International Center for Peacekeeping and Security kung saan nagtatrabaho ang mga foreign instructor at nagmitsa naman sa pagkasawi ng hindi bababa sa 35 katao at 134 na mga nasugatan.

Samantala, mariin namang sinabi ng isang NATO official na walang mga tauhan ang alyansa doon.

Hindi naman kaagad na tumugon ang Kremlin ukol sa nangyayaring pananalakay.