-- Advertisements --

Hindi tutol ang China sa pagpapaigting pa ng Pilipinas sa military cooperation nito sa Amerika sa gitna ng territorial disputes sa West Philippine Sea.

Ito ang nilinaw ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Paliwanag pa ng Chinese envoy na walang pagtutuol ang China sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa hangga’t ang partnership nito’y hindi direktang kontra sa China.

Ginawa ni Huang ang naturang pahayag matapos ang kasunduan sa pagitan ng PH at Amerika na pagpapalakas ng military cooperation sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagpapahintulot sa US forces na magsagawa ng mga aktibidad sa mga napagkasunduan lokasyon sa loob ng mga military bases sa Pilipinas.

Pagdating naman sa isyu sa WPS sa pagitan ng China at Pilipinas, sinabi ni Huang na sobrang napabilib aniya siya kung paano pangasiwaan ng Pangulo ang pagkakaiba ng dalawang bansa.

Ayon sa envoy, ang pananaw ng Pangulo ay akma sa pananaw at paninindigan ng China.