-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kaniyang puwesto ang military council head ng Sudan na si Awad Ibn Auf isang araw matapos ang ginawa nitong coup laban sa pangulo nilang si Omar al-Bahsir.
Agad naman na pinalitan ni Lt. Gen. Abdel Fattah Abdelrahman Burhan.
Isinagawa nito ang pagbibitiw matapos ang naganap na malawakang kilos protesta.
Hindi umalis sa kalsada ang mga protesters dahil iginiit nila na ang mga coup leaders ay naging malapit kay Bashir.
Naging head ng military intelligence si Auf noong 2000.
Ang pagbaba sa puwesto ni Bashir ay dahil din walang humpay na mga demonstrasyon na nagsimula noon pang Disyembre dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin kung saan 38 na ang nasawi dahil sa protesta.