-- Advertisements --
trumpo
US President Donald Trump

Ipagpapatuloy pa rin ni US President Donald Trump ang planong gagawing nitong military display sa pagdiriwang nila ng 4th of July Independence Day.

Sinabi nito na handang-handa na ang Pentagon at mga military leaders na ipakita sa mga mamamayan ang lakas nila pagdating sa puwersa armada.

Ilan sa mga plano ito ay ang pagkakaroon ng kakaibang pagpapalipad ng mga modernong fighter jets, Apache helicopters at ang fireworks display.

Sa ngayon nakalagay na rin sa train ang mga tangkeng panggiyera ng US na ang plano ay ipaparada subalit dahil baka masira ang kalsada ay inilagay na lamang ito sa train.

Dahil sa nasabing balakin naghahanda na rin ang ilang grupo na sabayan nang kilos protesta ang bonggang military parade.

US air force fighter jets

Para raw kasi sa kanila, hindi ito ang panahon para bigyang pugay ang mga sundalo hindi tulad ng Veterans Day, Memorial Day at Armed Forces Day.

Ang mga kritiko naman mula sa Democrats ay binabatikos ang hakbang ng Presidente dahil ito raw at “waste of money” na gagamitin lamang sa polilitka ni Trump upang pabanguhin ang kanyang reelection bud.

Pero baliwala ito kay Trump at ipinagmalaki pa ang masasaksihan ng mamamayan na tinaguriang military “Salute to America” na kapapalooban daw ng “incredible flyovers and biggest ever fireworks!”

“Big 4th of July in D.C. “Salute to America.” The Pentagon & our great Military Leaders are thrilled to be doing this & showing to the American people, among other things, the strongest and most advanced Military anywhere in the World. Incredible Flyovers & biggest ever Fireworks!”

Nais din kasing ipagmalaki ni Trump ang kanilang “the strongest and most advanced military anywhere in the world.”

US tanks

“Thanks to “Phantom Fireworks” and “Fireworks by Grucci” for their generosity in donating the biggest fireworks show Washington D.C. has ever seen. CEO’s Bruce Zoldan and Phil Grucci are helping to make this the greatest 4th of July celebration in our Nations history!”

Kung maaalala ilang dekada na ang nakalipas at ang mga dating U.S. presidents ay ginagawang low profile lamang at walang masyadong gastos ang Washington annual celebration ng 1776 Declaration of
Independence.

Pero sa pagkakataong ito ay ipagyayabang ni Trump ang mga military bands, flyovers mula sa U.S. Navy’s Blue Angels at Air Force One, pagpapakita sa modified Boeing 747 na eroplano ng mga U.S. presidents at ang Marine One helicopter, pagparada ng M1 Abrams battle tanks, B-2 bomber, F-35 at F-22 fighter jets at iba pa.