-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Russia at Belarus ang kanilang military drills na nagtapos na sana nitong LInggo Pebrero 20.

Dahil dito ay ikinabahala ni US Secretary of State Antony Blinken dahil tila naghahanda na ang Russia sa paglusob sa Ukraine.

Hindi naman binanggit ng Belarusian defense ministry kung kailan ito matatapos.

Magugunitang makailang ulit na itinanggi ng Russia na sila ay lulusob sa Ukraine at sa katunayan aniya ay pinauwi na nila ang mga sundalong unang inilagay sa border nila ng Ukraine.