-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na tuloy pa rin ang mga nakatakdang military exercise sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ngayong taon.
Ito inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kabila ng pagbasura ng pamahalaan sa Visitang Forces Agreement (VFA).
Sa pahayag ni Lorenzana, sinabi nito tuloy pa rin ang joint RP-US military exercises sa loob ng 180 araw kaya hindi maapektuhan ang mga naka-schedule na aktibidad.
Inihayag ng kalihim, may opsyon pa rin ang US na bago matapos ang 180 araw ay kanselahin na nila ang mga nakatakdang military exercise.
Samantala, sinabi naman ni Lorenzana na kapag naisapinal na ang pagbasura ng VFA ay titigil na rin ang mga pagsasanay ng mga sundalong Pilipino sa mga sundalong Amerikano.