-- Advertisements --
Kinansela na ng US at South Korea ang kanilang military dril bilang hakbang ng pakikipagmagandang loob sa North Korea.
Sinabi ni US Defense Secerary Mark Esper, na ang desisyon ay matapos ang deadlocked diplomacy sa Pyongyang.
Dagdag pa nito, na dahil sa nasabing hakbang ay inaasahan na ang pagbabalik ng kapayapaan sa nasabing rehiyon.
Nauna rito kinondina ng North Korea ang joint military exercise ng US at South Korea dahil nagpapakita ng paghahanda nila sa pang-aatake sa kanilang bansa.