-- Advertisements --

Inamin ng Azerbaijan na napagbagsak nila ang military helicopter ng Russia sa Armenia na ikinasawi ng dalawang crew members at ikinasugat ng ikatlong tao.

Dahil sa pangyayari ay humingi ng paumanhin ang Azerbaijan sa pangyayari.

Nauna ng sinabi ng Russia na tinamaan ng missile ang kanilang Mi-24 military helicopter habang inalalalayan ang mga sundalo sa Armenia kung saan nakabase ang Russia.

Magugunitang nagkaroong hindi pagkakaunawaan ang Azerbaijan at Armenian separatist sa Nagorno-Karabakh ang pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa.