-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nanawagan ang isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng military honor ang namaalam na Bicolano icon na si Eddie Garcia.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., sinabi nitong dapat gawing half mast ang mga nakatirik na bandila sa buong bansa bilang pagbibigay-pugay sa mga naiambag ni Manoy sa sa industriya ng showbiz.
Malapit na magkaibigan sina Garbin at Garcia, kaya inendorso pa ng huli ang Ako Bicol party-list noong nakalipas na halalan.
Kung maalala bago pa man pumasok sa pelikula noong taong 1949 ay naging sergeant sa military police si Garcia sa Philippine Scouts na nasa ilalim ng US Army sa Okinawa, Japan.