Pinangunahan ni Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lt Gen. Allen Paredes ang paggawad ng military honors sa dalawang piloto, officer at crew sa bumagsak na UH-1D helicopter sa Cauayan City,Isabela habang nagsasagawa ng Night Vision Goggles Proficiency Training.
Lubhang ikinalungkot ni PAREDES ang pagpanaw ng apat nitong mga tauhan na itinuring na mga bayani ng PAF.
Bilang huling pagsaludo sa kabayanihang ipinakita ng apat na sundalo, isang military honors ang iginawad ng hukbo para sa kanilang fallen comrades.
Siniguro naman ni Paredes na lahat ng tulong at suporta ay ibibigay sa mga bereived families.
Kasunod ng pagbagsak ng Huey chopper, pansamantalang inilagay sa on hold status ng PAF ang lahat ng UH-1D helicopter sa buong bansa at isasailalim sa stringent maintenance and safety inspection habang pending pa ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng aksidente.
Gumugulong na rin ang imbestigasyon ng probe team na binuo ng PAF hinggil sa insidente.