-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang military intelligence chief ng Israel na si Major General Aharon Haliva.

Sinabi nito na bigo ito ng malaman ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na tuluyan lamang siyang aalis sa puwesto kapag may nahanap ng kapalit niya.

Siya ang unang senior officials ng Israel na bumaba sa puwesto dahil sa nangyaring pag-atake na itinuturing pinakamadugo sa kasaysayan ng nasabing bansa.

Magugunitang nasa mahigit 34,000 Palestino na sa Gaza ang nasawi na karamihan sa mga ito ay bata at kababaihan.