-- Advertisements --
Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) na agawin ang kapangyarihan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana na bilang mga tagapagpatupad ng batas ay kuntento sila sa paraan ng pagpapatakbo ng pangulo sa gobyerno.
Reaksiyon ito ng PNP sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na malaya ang PNP at AFP na gawin kung nais ng mga ito na patalsikin siya sa puwesto.
Pagtiyak naman ni Durana na susundin ng PNP kung ano ang nakasulat sa konstitusyon.
Dagdag pa ni Durana na sa 30 taon niya sa serbisyo, ngayon lamang sila mas naging “empowered” dahil sa buhos ang suporta ng commander-in-chief sa PNP.