Nakasentro ngayon sa may eastern part ng Marawi City ang operasyon ng militar laban sa Maute terror group kung saan nagtatago ang matataas na lider ng teroristang grupo.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay 1st ID spokesperson Lt. Col Joar Herrera kaniyang sinabi na dito ngayon nakatuon sa Barangay Banggalo sa Marawi ang opensiba ng militar lalo na dito nagtatago sina ASG leader Isnilon Hapilon na siyang itinuturing na “Amir” ng teroristang grupo at ang Maute brothers.
Ayon kay Herrera na bukod kina Hapilon at Maute brothers may natanggap din silang impormasyon na kasama ng mga ito ang ilang mga banyagang terorista.
Aniya nasa 30-40 mga terorista ang naka occupy ngayon sa Barangay Banggalo na siyang target ngayon ng militar na pasukin subalit maingat sila dahil may mga sniper na naka pwesto sa nasabing lugar.
Inihayag din nito na nasa 80-85 percent cleared na ang western, north at southern part ng Marawi mula sa teroristang Maute.
Aniya, ongoing na ang retrieval at relief operations sa mga nasabing lugar.
Tanging ang eastern part na lamang ang nasa kontrol pa ng teroristang grupo na siyang tinututukan ng government forces.
Ngayong umaga nagpapatuloy pa rin ang airstrikes sa Marawi City.
Sa ngayon nasa 89 Maute terrorist ang nasawi, 19 na sibilyan at 21 sa AFP at PNP.