Mahigpit na mino-monitor at binabantayan ng South Korea at US intelligence authorities ang kalalabasan ng ginawang pagparada ng North Korea sa kanilang mga large-scale military equipment sa Kim Il Sung Square.
Nitong araw ipinagbunyi ng bansa ang ika-75 na anibersaryo ng pagkatatag ng “Workers Party.”
Ipinagdiwang nila ang nasabing anibersaryo sa pamamagitan ng military parade, mga konsyerto at festivals.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe si North Korean leader Kim Jong Un.
Walang ipinalabas na mga larawan ang North Korean media sa mga nangyaring kaganapan sa nasabing pagdiriwang.
Noong nakaraang linggo, ipinakita sa isang commercial satellite imagery ang libu-libong mga sundalo sa North Korea na nagmartsa, at sinabi ng mga opisyal ng South Korea na ang North ay maaaring gumamit ng isang parada upang ipakita ang isang bagong intercontinental ballistic missile (ICBM), o isang bagong inilunsad na ballistic missile. (with report from Bombo Jane Buna)