-- Advertisements --
Inatake ng drone ang military plant sa Isfahan City sa Tehran, Iran.
Ayon kay Mohammad Reza Jan-Nesari ang deputy head of security for Isfahan governorate na naganap ang pagsabog sa isa sa mga military center ng Ministry of Defense.
Nagdulot ito ng pagkasira ng maraming gusali subalit walang naitalang nasawi.
Napabagsak din ng mga sundalo nila ang dalawang iba pang drones.
Malaki ang paniniwala nila na galing sa mga Israeli forces ang nasabing mga drones.