-- Advertisements --

6thID4

Tatlong gabi nang sunud-sunod nagpakawala ng artillery at mortar fires ang 6th Infantry Division ng Philippine Army sa pinagkukutaan ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah terrorist. sa Maguindanao.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay 6th Infantry Division Spokerson Ltc. Anhouvic Atillano, hindi tumigil ang militar sa pagtugis sa grupo ni Commander Karialan at Motorola na siyang responsable sa pag-atake sa Datu Piang at pagsunog sa patrol car ng PNP.


Ayon kay Atilano, hinihintay na lamang nila ang report sa ground kaugnay sa isinagawang artillery at mortar fires lalo na kung may nasawi sa panig ng mga kalaban.


Nakatutok ngayon ang opensiba ng militar sa may bahagi ng Liguasan marsh kung saan nagtatago ang mga teroristang grupo.


Sinabi ni Atilano, pinalakas din ng militar ang kanilang pwersa sa bayan ng Datu Piang.

6thID3


Dahil sa insidente, nagpatupad ng security adjustment ang militar sa mga lugar na vulnerable sa mga pag-atake ng teroristang grupo.


Sa ngayon,ipinauubaya na ng militar sa PNP ang imbestigasyon sa Datu Piang attack pero tiniyak ng 6th ID ang kanilang suporta dito.


Sa ngayon wala ng kakayahang maglunsad ng large scale attack ang teroristang BIFF at Dawlah Islamiyah dahil kaunti na lamang ang kanilang pwersa.


Gayunpaman, hindi pa rin nagpapakampante ang militar, dahilan para paigtingin pa nila ang kanilang intelligence monitoring dahil naghahanap lamang ng magandang tiyempo ang mga terorista para makapang harass.


Sa kabilang dako, tiniyak naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na sasampahan nila ng kasong kriminal ang mga terorista na umatake sa Datu Piang at ang pagsunog sa patrol car ng PNP.


Siniguro ni Sinas sa mga residente ng Datu Piang na palalakasin pa ng mga pulis ang kanilang security measures para mapigilan ang anumang planong pag-atake ng teroristang grupo.