Military probe sa pagbagsak ng dalawang US military helicopters, nagpapatuloy; 2 Fil-Ams, kabilang sa mga nasawi
Nagpapatuloy ang special military investigation upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng dalawang HH-60 Black Hawk medical evacuation helicopters sa southwestern Kentucky, USA na ikinamatay ng siyam na mga sundalo kabilang na ang dalawang Filipino-Americans.
Myerkules ng gabi nang bumagsak ang dalawang military aircrafts sa Trigg County, Kentucky kasabay ng medical evacuation training exercise ng mga sundalo mula sa 101st Airborne Division.
Kabilang sa mga namatay ay ang Filipino-Americans na sina Sgt. Isaac John Gayo, 27, na mula sa Los Angeles, California at Cpl. Emilie Marie Eve Bolanos, 31, na mula naman sa Austin, Texas.
Ang dalawa ay parehong ipinanganak sa Pilipinas at na-enlist sa US military noong 2019.
Ang iba pang mga casualties ay mula sa Florida, Missouri, North Carolina, Alabama, at New Jersey.
Ayon kay Reverend Father Archie Tacay, international correspondent sa North Carolina, nangako na si Kentucky Gov. Andy Beshear na susuportahan ng state ang pamilya ng mga namatay.
Walang indikasyon ng masamang panahon nang mangyari ang aksidente base sa local weather reports.
Iniimbestigahan rin ng aviation safety team kung may collission o banggaan na naganap sa dalawang aircarft.