Bilang pagtatapos ng four-day state visit ni US President Donald Trump sa Japan, inihayag nito ang kanyang pag-asa sa ipapadalang military reinforcement ng Japan upang tulungan ang U.S forces sa Asya.
Ito ay matapos personal na inspeksyunin ni Trump ang pinaka-malaking barkong pandigma ng Japan na dinesenyo upang magdala ng mga submarine-hunting helicopters sa kanilang karagatan.
Ang nasabing warship ay ia-upgrade upang ma-accomodate nito ang F-35B short take-off and vertical landing (STOVL) jets.
Naglayag na rin ang Kaga sa India at South China Sea.
Ayon kay Trump, sa tulong ng Kaga ay siguradong matutulungan nitong depensahan ang mga bansa laban sa iba’t ibang banta.
Noong nakaraan lamang nang kumpirmahin ng Japan ang pagbili nito ng 105 F-35 stealth jets mula sa Estados Unidos.