-- Advertisements --

Itinanggi ng gobyerno ng Burkino Faso na inagaw na ng militar ang panunungkulan.

Kasunod ito sa magkakasunod na putok ng baril na umalingawngaw sa ilang kampo ng militar.

Kabilang sa mga kampo na narinig ang putukan ay sa Sangoule Lamiza camp kung saan nakapiit ang mga sundalo na naglunsad ng bigong kudeta noong 2015.

Sinabi ni government spokesman Alkassoum Maiga na bagamat nagkaroon ng putukan malapit sa labas ng kampo ay agad nilang napawi ang kaguluhan.

Noon pang nakaraang taon ay naka-high alert na laban sa tangkang kudeta ang West at Central Africa partikular na sa Mali at Guinea.

Nauna ng sinakop ng miitar ang pamumuno sa Chad matapos na nasawi sa pakikipaglaban si President Idriss Deby.