-- Advertisements --
Kinumpirma ni Police Lt. Col. Junar Alamo, hepe ng Imus police, na nakatanggap sila ng report patungkol sa food poisoning na naganap sa Imus, Cavite.
Batay sa reports, 40 estudyante ng Imus Institute of Science and Technology ang itinakbo sa Our Lady of Pillar Medical Center matapos sumama ang kanilang pakiramdam.
Milktea ang itinuturong rason sa insidenteng ito.
Sa ngayon, ilan sa mga naospital na mag-aaral na ang pinayagang makalabas habang ang iba naman ay naka-confine pa.