-- Advertisements --

Sinisi ni Filipino-American skier Asa Miller ang sarili matapos ang pagkabigo nitong makasungkit ng medalya sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Nagtala kasi ito ng DNF o Did Not Finish sa men’s alpine skiing.

Nangyari ito 36 segundo bago tuluyang bumangga ng dalawang beses sa giant slalom.

Sinabi ng kaniyang Amercian coach na si Will Gregorak na naging malaking balakid sa nasabing olympian ang makapal na yelo.

Magugunitang noong unang event nitong Linggo sa giant slalom ay hindi rin natapos ni Miller ang nasabing karera.