-- Advertisements --

Pumanaw na ang millionaire fitness firm founder na si Zef Eisenberg matapos na tangkain nitong gumawa ng record sakay ng kaniyang kotse.

Ayon sa imbestigasyon, hindi nakontrol nito ang kaniyang Porsche 911Turbo S sa Elvington Airfield sa Yorkshire, England.

Target kasi nitong makagawa ng British land speed record.

Taong 2016 ng muntika na rin itong mamatay ng bumangga rin ang kaniyang sasakyan sa bilis na 230 mph sa parehas rin na lugar.

Dahil sa pangyayari ay nabali ang 11 buto nito kabilang ang pelvis.

Itinaguyod ng 47-anyos ang nasabing fitness food supplement.

Siya rin ang nagpapatakbo ng Madmax Race Team na nagtatangka ng mga speed records ng mga motorbikes at mga kotse.

Taong 2019 ng makuha nito ang record na “flying mile” sa Pendine Sands sa Wales na naagaw ang titulo sa actor na si Idris Ilba na may hawak ng record mula pa noong 2015.

Hawak din nito ang Guinness world record na 225 mph speed gamit ang turbine-powered motorbike noong 2015.