-- Advertisements --

Binitbit ni Jayson Tatum ang Boston Celtics upang masilat nila ang Milwauke Bucks, 117-103.

Kumamada ng 42 big points si Tatum para sa kanilang ika-14 na panalo ngayong season.

Nagbalik na rin sa line-up ng Boston si Jaylen Brown matapos ang limang araw na hindi makalaro dahil sa injury at nagtala ng 19 points.

Ang Celtics (14-14) ay kagagaling lamang sa 1-4 record sa kanyang road trip sa West Coast.

Para naman sa Bucks, nasayang ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na may 20 points at eight rebounds.

Habang si Jrue Holiday ay nag-ambag naman ng 20 points para sa Bucks (18-11) kung saan ito pa lamang ang ikatlong talo nila sa huling 15 games.

Minalas naman si Khris Middleton na hindi natapos ang laro sa third quarter dahil sa posibleng injury dulot ng hyperextended left knee.