Tila pumanig ang swerte sa Milwaukee Bucks matapos nilang matagumpay na payukuin ang katunggaling Chicago Bulls sa score na 112-100 at tuluyang naitala ang kanilang ika 12 na sunod-sunod na panalo ngayong season.
Bumandera kaagad ang galing ng 34 year old center player ng Bucks na si Brook Lopez at pumoste ito ng season high 33 point at 7 rebounds.
Umalalay naman ang point guard na si Jevon Carter at tumipa ito ng kabuuang 22 points , 6 rebounds at 6 assist na naging dahilan upang mahirapang umabante ang Bulls sa laban.
Pinangunahan ni Nikola Vucevic ang Chicago Bulls at umiskor ito ng 22 points, 16 rebounds at 3 assist ngunit nahirapan pa rin itong buhatin ang kanyang team matapos magka injured si Giannis Antetoukompo sa second quarter ng laban.
Sa kasalukuyang standing para sa Eastern Conference ng National Basketball Association ay nananatili pa rin ang Milwaukee Bucks sa pangalawang pwesto na mayroong record na 41 wins at 17 loses.
Ang naturang laban ay ginanap sa United Center Arena at sinaksihan ng aabot sa 20,000 na NBA fans.