TACLOBAN CITY – Aabot sa 262 na mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na ngayo’y nagbalik loob na sa gobyerno ang nakatanggap ng financial assistance na personal mismong ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging pagbisita sa San Isidro Leyte kahapon.
Nakatanggap ng P15,000 na immediate assistance mula sa E-Clip ang nasabing mga dating rebelde at P10,000 mula sa probinsya ng Leyte.
Nasa 33 former rebels naman ang nakatanggap ng P50,000 livelihood assistance.
Maliban rito ay aabot sa mahigit P6 million ang ibinigay rin ng presidente sa iba’t ibang farmer’s association na kinabibilangan ng nasabing mga dating rebelde.
Samantala, nakatanggap rin ng tig-P3 million ang 20 mga bayan sa Leyte na nasalanta ng bagyong Ursula maliban lang sa Tacloban na nakatanggap ng P5 million at P10 million naman sa probinsya ng Leyte.
Sa naging mensahe ng pangulo, binigyang diin nito ang kanyang pagiging Leyteño kung kaya’t milyong halaga ang ipinamahagi nitong ayuda sa kanyang mga kababayan.