Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Custom ang mahigit P900 Million na halaga ng mga smuggled Goods sa Plaridel Bulacan.
Naging matagumpay ang naturang operasyon dahil sa pakikipag tulungan ng Manila International Container Port (MICP), Intelligence Group, Enforcement Group, Philippine Coast Guard, lokal na barangay at ng Philippine National Police.
Ang operasyon ay binigyang bisa ni Commissioner Bienvenido Rubio matapos itong maglabas ng Letter of Authority upang masuri ng BOC composite team ang bodega na matatagpuan sa Plaridel Bulacan.
Matapos ang masusing pagsusuri, nadiskubre ng Bureau of Custom ang isang imbak ng mga sigarilyo, general merchandise, housewares, kitchenware, at counterfeit goods na pinaghihinalaang ilegal na ipinasok sa bansa.
Sa kasalukuyan ay pansamantala munang isinara ang warehouse kung saan natagpuan ang mga smuggled Good hanggat hindi naipapakita ng may-ari nito ang kinakailangan dokumento kabilang na ang patunay na pagbabayad ng mga tungkulin at tamang buwis gayundin ang permit sa pag-aangkat ng isang produkto.
Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio,“Nananatiling matatag ang Bureau of Customs sa kanilang pangako na labanan ang mga ilegal na aktibidad katulad ng smuggling at patuloy na pagprotekta sa interes ng publiko.